By

Duterte’s final answer: Hindi sisibakin si Tugade

Sharing is caring!

Kahit ulit-ulitin pa ang panawagang sibakin na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa puwesto, hindi ito pagbibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na buo ang tiwala nito kay Tugade at kumpiyansang kaya nitong itama ang mga pagkakamali kung meron man sa kanyang ahensiya.

“I will not do that. I have full trust and confidence in Tugade that he can correct the mistakes there, if there are, and fix it.I would be resisting the call or if you want to put it in another — I will decline the request,” ang pahayag ng Pangulo.

Lumalakas ang panawagan ng ilang grupo at mga kritiko na sibakin na si Tugade dahil hindi umano malutas ang problema sa araw araw na perwisyong dulot ng mga depektibong train ng Metro Rail Transit 3.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nawawala ang problema at maaring mangyari ito araw araw , hindi lamang sa kalihim kundi sa kahit sinoman.

Batid ng Malacañang ang palpak na serbisyo ng MRT3 at gumagawa na ang DOTr ng mga hakbang para maayos at mapaganda ang serbisyo ng mga MRT trains. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?