23

Mar 17, 2021 @ 14:02
By

#DutertePalpak dahil sa autocorrect, PTV ‘didisiplinahin’ kawani

Napag-alaman na ng government TV station na PTV-4 kung paanong nailagay ang hashtag na #DutertePalpak sa sarili nilang tweet.

Sinabi rin ng PTV na tiyak na didisiplinahin nila ang social media team employees na nasa likod ng nasabing tweet.

Sa pahayag ng PTV ngayong Miyerkoles, sinabi nilang lumalabas na ang “erroneous message” na pinost nila ay “resulta ng predictive systems sa text entry phase at pagkabigong suriin at i-screen nang sapat ang mensahe na na-post.”

“PTV New Media deeply regrets the error and takes full responsibility for the oversight,” ayon sa state-run broadcaster.

“The management will certainly institute disciplinary actions against members of the social media team who are behind the erroneous posting,” dagdag ng network.

Hindi naman isinapubliko ng PTV kung anong parusa ang gagawin nila.

Kagabi, tinweet ng PTV na, “President Rodrigo R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.”

Noong na-post ang tweet, ang nasabing hashtag ay kabilang sa mga top trends sa Twitter PH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?