168

May 7, 2021 @ 19:13
By

#DuterteDuwag nag-trending matapos umatras sa debate

Naging trending topic sa Twitter Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang umatras sa pakikipagdebate kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio tungkol sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Nag-No. 1 ang hashtag na #DuterteDuwag matapos ianunsyo ngayong Mayo 7 ni Presidential Spokesman Harry Roque na siya ang tinapik ng Pangulo para makipagdebate kay Carpio.

Habang sinusulat ito ay mayroon nang mahigit 30,000 tweet ang #DuterteDuwag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?