46

Oct 2, 2017 @ 20:02

Duterte: You can shoot me kung sobra pera ko sa bangko

Handang magpabaril at mapaalis sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag mapatunayan ng mga nag-aakusa na sobra sa P40 milyong piso ang deposito nito sa bangko.

Sa kanyang pagbisita muli sa Marawi City kahapon, sinabi ng Pangulo na nakasisiguro siyang hindi sosobra sa P40 million ang kanyang pera kasama na ang mga minana niya.

“It could not be more than 40 million, it is a lifetime savings. 72 na ako. I started to work when I was 27, naging prosecutor, pati na yung, kasali na yung minana kong mga lupa. I said you can shoot me, you can overthrow me if you want pagka sumobra ako niyan,” ang hamon ni Pangulong Duterte.

Muling inulit ng Presidente ang hamon kina kina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales na mag-resign na lamang dahil sila ang namumrublema aniya sa mga pilipino, at pinagbibintangang may bilyones.

Iginiit ng Pangulo, para patunayang hindi ito totoo, sabay sabay nilang ilaladlad sa kongreso ang kanilang libreta de bangko at saka mag-resign sa puwesto.

“Mag-resign na lang kami ni Justice Sereno. Eh kami yung nagpuprublema sa Pilipino. Si Ombudsman at ako raw may bilyon, o di mag-sign kami dalhin namin ang bank book namin in Congress.

Doon bigyan kami, kaming tatlo, sign and we will show our bank,” ang pahayag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin pa ng Presidente na gusto niyang lumabas ang totoo para malaman kung sino talaga ang magnanakaw at kung sino ang nagnegosyo sa gobyerno. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?