25

Jun 2, 2020 @ 15:19
By

Duterte ‘work from home’ sa Davao City

Sa hometown niyang Davao City magtatrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na mga araw.

Ayon sa Malacañang, nakatakda raw makipagpulong ang Pangulo sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa Davao City at doon din mag-uulat sa bayan sa Huwebes.

“Now that he’s in Mindanao, he’s not only there for a reunion. He will also check on Mindanao’s situation,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“The President will hold official functions in Davao City. This includes his report to the nation and his meeting with some IATF members in Davao City,” dagdag ng tagapagsalita.

Mayo 30 nang umuwi sa Davao City si Pangulong Duterte.

Bago magkaroon ng krisis ng COVID-19 sa bansa, kadalasang umuuwi sa Davao City kapag weekends ang Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?