162

Jun 14, 2021 @ 17:02
By

Duterte: Willie Revillame puwedeng mag-presidente

May potensiyal na maging presidente ng Pilipinas si TV host Willie Revillame, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinahayag ito ni Pangulong Duterte sa isang video message, sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“I have a copy of the video greeting of the President. Ang sabi nga po niya tumakbo ka ng (senador) pero sa bandang huli rin sabi rin po niya na pupuwedeng mag-presidente si Willie Revillame,” pahayag ni Roque sa televised press briefing ngayong Lunes, June 14.

“It’s a video greeting of sorts ‘no so hindi po iyon new meeting between Willie Revillame and the President,” dagdag niya.

Unang hinimok ni Pangulong Duterte na tumakbong senador sa 2022 elections si Revillame at nangako ito ng slot sa host, na ma-appeal aniya sa masa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?