108

Aug 12, 2021 @ 17:18
By

Duterte walang sinasanto! DOH pinapasagot sa COA report

Pinasasagot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ang inilabas na report ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa P67 billion deficiency sa pagtugon sa COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi muna manghuhusga ang pangulo hanggat hindi nakakapagsumite ng komento ang DOH hinggil sa inilabas ng COA.

Tiniyak ni Roque na walang sasantuhin ang administrasyon pagdating sa usapin ng pera ng taongbayan kaya hintayin aniya ang exit conference at final report ng COA hinggil dito

‘Ang presidente po walang sinasanto. There are no sacred cows in this administration. Antayin natin ang sagot ng DOH at antayin natin ang final observations ng COA,” ani Roque.

Bilang dating alkalde at bilang abogado, alam aniya ni Pangulong Duterte na hindi lahat ng obserbasyon ay totoo hanggat hindi sumasagot ang ahensiya.

“Sa ngayon premature pa, sasagot pa lang ang DOH. Antayin po natin ang sagot, the president is keen to read answers dahil medyo mabigat po ang obserbasyon ng COA,” dagdag ni Roque.

Batay sa COA report, kulang umano sa dokumentasyon ang mga biniling kagamitan ng DOH mula sa inilaang COVID funds, habang ang ibang binili ng ahensiya ay hindi pa rin nagagamit hanggang sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?