3,836

By

Duterte walang sayad sa utak – Palasyo

Kinontra ng Malacañang ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang mga pumupuna na mayroon umanong sakit sa utak ang Presidente dahil sa mga banat nito sa Simbahan at sa mga kuwento nito patungkol sa mga pari at obispo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kasama sa freedom of expression ang mga ipinapahayag ng Pangulo lalo na sa mga puna nito sa mga itinuturo ng Simbahan gayundin ang mga kuwento nito sa naging karanasan sa pari noong nag-aaral pa sa Ateneo de Davao.

Malalim aniya ang Presidente at mahilig magbasa ng mga libro kaya alam nito ang sinasabi, taliwas sa pahayag ng kanyang mga kritiko na may sakit ito sa utak.

‘Definitely, he is not. He is not. What do you mean sick? Sick in what? This President is a thinking President. This President is profound. He is deep. He is a very wide reader – he reads a lot of books. He is a philosopher if you haven’t noticed,” ani Panelo.

Binigyang-diin ni Panelo na mayroong sariling paniniwala ang Presidente sa politika at aral pangrelihiyon kaya sinasabi nito ang mga aral at itinuturo sa Simbahan na ayaw nito at hindi pinapaniwalaan.

“If you notice, he has his own political and religious dogmas. He believes in one super God. And he believes that God is the almighty, compassionate, all kind and all loving; and that’s why he tries to emulate him or her or it – because we don’t know whether it’s female or male. He speaks his mind on certain practices that he doesn’t like or certain beliefs that he doesn’t believe in. Ganoon iyon eh. Kasama iyon sa freedom of expression,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang bukod sa mga inaaning banat at batikos mula sa mga kritiko dahil sa pagtuligsa sa Simbahan, hindi rin nagustuhan ng ilang grupo ang kuwento ng Pangulo tungkol sa kanilang kasambahay noong bata pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?