17

May 4, 2021 @ 21:58
By

Duterte walang sala sa pagpapaturok ng Sinopharm vaccine

Walang nilabag na batas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpabakuna nito ng Sinopharm vaccine kahit wala pang go signal ang Food and Drug Administration (FDA) para gamitin ang nabanggit na bakuna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na saklaw ng compassionate use ang Pangulo na ibinigay ng FDA sa Presidential Security Group (PSG).

” As far as the President is concerned, he did not violate any laws. Covered po siya ng compassionate use permit so wala pong nalabag ang ating Presidente,” ani Roque.

Ang Sinopharm vaccine na itinurok sa Pangulo aniya ay mula sa dagdag na donasyon ng China sa gobyerno na unang ginamit sa mga tauhan ng PSG.

Malinaw aniya ang mensahe sa pagpapaturok ng bakuna ni Pangulong Duterte na ang ibig sabihin ay magpabakuna na ang lahat habang may magagamit na bakuna.

‘I think the message that the President sent is magpabakuna na ang lahat habang mag makukuhang bakuna,” dagdag ni Roque.

Idinadag ng kalihim na ang mga doktor ng Pangulo ang siyang pumili sa bakunang ginamit sa kanya kung saan masusi aniyang pinag-aralan ito dahil sa kanyang edad at sa sakit nito sa kanyang likod na nakuha dahil sa aksidente noon sa motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?