8

Jul 19, 2021 @ 21:10

Duterte walang sako-sakong pera, didiskarte pa lang

Batid aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang paggamit ng public funds para sa pangangampanya at hindi ito gagawin ng presidente.“Of course he knows it’s illegal to use public funds for partisan purposes. But there is no prohibition in the Omnibus Election Code to raise funds from private individuals for the candidacies of individuals,” ani Roque.

Binigyan lamang aniya ng Presidente ng kasiguruhan ang kanyang mga kapartido na susuportahan niya ang mga ito sa darating na eleksiyon at mangangalap ng pondo para sa kanilang kandidatura.

Hindi aniya labag sa Konstitusyon ang pangangalap ng donasyon para suportahan ang isang kandidato.

“So that is what the President mean. Its an assurance to his party mates that not only will he physically campaign for them, he will also raise funds for them and that’s not prohibited by the Constitution or the Omnibus Election Code. Unfortunately democracy can be very expensive,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?