33

Jul 2, 2020 @ 13:34
By

Duterte walang palag sa anti-terror bill – Esperon

Sa pagkakaalam ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., walang pagtutol si Presidente Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na anti-terrorism bill, na posibleng awtomatikong maging batas sa susunod na linggo.

Ito ang sagot niya nang tanungin kung ano ang tingin ng Pangulo ukol sa panukalang batas na binabatikos ng mga human rights lawyer at maraming Pinoy.

“I talked to our fellow Cabinet members about it and he (Duterte) said, so far, he has no objections to the provisions of the proposed Anti-Terrorism Act,” wika ni Esperon sa panayam sa CNN Philippines, Huwebes.

“He also certified it as [a] priority bill,” aniya pa.

Hindi naman siya nagbigay ng sagot sa kung ano ang tingin niyang gagawin ni Duterte sa panukala: kung aaprubahan, ibi-veto, o hahayaang mag-lapse at maging batas.

Una nang binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “marahil ay lalagdaan” ng Pangulo ang anti-terror bill, na sinertipika nitong urgent sa harap ng coronavirus pandemic sa bansa at sa daigdig.

Wika ng isa sa mga awtor ng panukala ni Senate President Tito Sotto, kailangan na itong maipasa dahil ang kasalukuyang Human Security Act ng Pilipinas ang umano’y “pinakamahina” sa daigdig.

Giit naman ng mga kritiko, bukod sa labag ang panukalang batas sa Konstitusyon 1987 ay mas madaling maituturing ng mga awtoridad bilang terorista ang sinuman, mapipigil ang free speech, maha-harass at madiditene nang mas matagal ang sinumang tutuligsa sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?