duterte4
By

Duterte, walang pakialam sa ratings

Sharing is caring!

Hindi interesado sa mga rating si Pangulong Rodrigo Duterte na ipinapalabas ng survey firms.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya kailangan ang mga ganitong ratings dahil tapos na ang panahon ng kampanya, at siya na ang Presidente ng bansa.

Ayon sa Pangulo, hindi niya kailangang maging popular dahil ang pangunahing tungkulin niya sa ngayon ay kung paano niya maipatupad ang mga ipinangako sa mga Filipino.

“I do not care about how you rate me. That is not my job. My job is to watch for these rates. My job is to implement what I promised. Ginagawa ko po ‘yang apat na ‘yan. Simultaneous. Nakita naman ninyo. I did not promise you anything,” anang Pangulo.

Nakikita naman aniya ng taumbayan kung paano nito pinagsisikapang masugpo ang problema sa ilegal na droga, katiwalian at pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na prayoridad din nitong iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino.

Iginiit pa ng Presidente na wala siyang pakialam kung paano siya bigyan ng grado ng publiko, bumaba man o tumaas ito, basta ang mahalaga ay hindi corrupt ang kanyang pagkatao at hindi niloloko ang mga Filipino.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), bumaba ng dalawang puntos ang satisfaction rating ng Pangulo, mula +58 ay naging +56 ito sa unang quarter ng 2018 pero “very good” pa rin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?