147

Oct 26, 2019 @ 17:30
By

Duterte walang pake sa semplang, tuloy sa pagmo-motor – Bong Go

Kahit sumemplang na, hindi pa rin mapipigilan na mag motor si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Senador Christopher Bong Go sa kanyang panayam sa radyo.

Ayon kay Go, normal lamang para sa mga rider ang sumemplang sa motor.

“Ganyan po talaga ang isang rider,” ayon kay Go.

Sa ngayon ay nagpapahinga na anya si Digong matapos nitong magpacheck up sa Davao.

Wala namang nakitang bale sa ginawang check up kay Digong.

Sinisimulan na rin aniyang bumalik sa pagmomotor.

“Sa ngayon po ay nagpapahinga po siya ngayon sa Davao. sa awa po ng DIyos wala naman pong bale, purely muscle spasm lang po,” sabi niya.

“Sinubukan niya lang po, tatlong gulong na po yun para siguradong hindi ssesemplang, mga 10 minutes po siyang nag-motor sa PSG,” ani Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?