48

By

Duterte walang pake sa parangal ng Time kay Ressa: Inyo na ‘yan!

Hindi alintana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Time Person of the Year na iginawad sa Rappler CEO na si Maria Ressa.

Sa kanyang speech sa Las Piñas City, sinaad ni Duterte na kanyang di babakuran kung ano man ang igawad kay Ressa, na matatandaang naglabas ng artikulo kaugnay ng war on drugs kung saan nasa limang libo umano ang namatay pag-upo ng Pangulo noong 2016.

“Alam mo itong mga human rights. ‘Look at Duterte.’ They go everywhere…a time of the… woman of the century and all. Inyo na ‘yan,” pakli ng Pangulo.

Kanya ring ipinangako na siya’ handang makulong kung may mali itong nagawa kaugnay ng kanyang kampanya kontra iligal na droga.

“Even if I’m the only one trying to answer or to justify my actuation, I will do it. As I have said, even if it would cost my freedom. I will go to prison,” dagdag pa niya.

Si Ressa, kasama pa ang ilang journalist ay ginawaran bilang Person of the Year ng Time Magazine para sa taong 2018 dagil sa kanilang walang patid na paghahatid ng katotohanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?