100

Oct 21, 2021 @ 22:05

Duterte: Walang mayaman na negosyo droga

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ang mga mayayamang Pilipino.

Aniya, hindi kailangan ng mga milyonaryo na pasukin ang illegal drug trade dahil mayaman na ang mga ito.

“Walang mayaman ngayon na Pilipino nasa droga. Mayaman na eh, eh kaya nga mayaman na eh. Ang big fish na hinahabol ninyo hindi ‘yung mga milyonaryo, hindi sina Ayala… Si Pangilinan, ‘yun ang gusto ninyo? They are not there. Mayroong dumating na big-time dito pero nahabol rin ng gobyerno, patay,” lahad niya.

“Ang hindi talaga ninyo mapasok sa utak ninyo ‘yung mga big fish kakapatay lang ng apat na Chinese. Iyon ang mga big fish dito,” dagdag niya.

Tinutukoy ng Pangulo ang apat na Chinese na napatay sa ikinasang drug bust sa bayan ng Candelaria, Zambales noong Setyembre.

“Huwag kayong maghanap ng mga big fish na mga mayayaman o anak ng mayayaman. Hindi na kailangan na magnegosyo ng shabu ‘yan, mayaman na nga eh. At saka itong napapasahan dito, they are not the ones importing. It’s now an importation thing. I cannot identify with certainty. It’s not only from one country,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?