19

Sep 8, 2021 @ 17:42
By

Duterte: Walang korapsyon sa pagbili ng supply vs COVID

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang korapsyon sa pagbili ng pamahalaan ng mga medical supply laban sa COVID-19.

Ito ay matapos kuwestiyunin ng mga mambabatas ang diumano’y iregularidad nito.

“Ako mismo, I would like to disabuse the minds of the detractors of government. Walang nangyaring korapsyon sa mga procurement ng gobyerno,” lahad ni Duterte sa public address na ipinalabas nitong Miyerkoles.

Nanawagan din siya laban sa mga pag-iimbestiga sa mga programa ng mga ahensiya partikular na ang Department of Health na sentro ng Senate inquiries kaugnay sa paghawak nito ng COVID-19 fund.

“Do not run the department as if it is parang opisina lang ng Senado. Do not dictate. Si Duque ‘yung nagpapatakbo niyan e, hayaan mo siya. Let him make the programs and spend the money,” anang Pangulo.

“At the end of the day, kung palpak ang trabaho niya then that is the time for reckoning. But not before completing the programs of his department in pursuance to his work as Secretary,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?