98

By

Duterte walang kinalaman sa pag-aresto kay Ressa

Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usap-usapan na may kinalaman ito sa pagkakakulong ng CEO ng Rappler na si Maria Ressa.

Sa isang pahayag noong Huwebes, Pebrero 14 sinabi nitong hindi nito kilala ang businessman na si Wilfredo Keng na siyang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay Ressa at dating researcher ng rappler na si Reynaldo Santos Jr.

“I don’t know Keng. Frankly, I do not know him or what prompted him to file a case,” saad ni Duterte sa mga reporter.

“I really don’t know about [Ressa’s case and arrest]. Not for today. I was out [of my office] the whole day,” saad pa nito.

“Someone mentioned it on the stage but, same answer. I cannot give you an opinion or say anything,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?