17

Oct 11, 2021 @ 11:31
By

Duterte walang exposure kay Mayor Sara na nagpositibo sa COVID-19

Walang peligro sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng ulat na nagpositibo sa mabagsik na virus ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Presidential Securty Group Commander Col. Randolph Cabangbang, walang exposure ang Presidente kay Mayor Sara sa mga nakalipas na araw.

Wala aniyang pagkakataon na magkita o makasalamuha ni Pangulong Duterte ang anak na alkalde bago natuklasang positibo ito sa COVID-19.

“PRRD was never exposed,” ang maiksing pahayag ni Cabangbang.

Matatandaang nitong weekend ay naglabas ang anunsiyo ang Davao City Public Information Office na nagsasabing nagpositibo sa COVID test si Mayor Sara at sumasailalim ngayon sa quarantine at isolation.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga nakasalamuha nito na magpasuri para masiguro ang kaligtasan laban sa COVID-19.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?