64

Dec 25, 2017 @ 18:23
By

Duterte wala pang reaksiyon sa pagbitiw ni Paolo

Wala pang reaksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ng kanyang anak na si Vice-Mayor Paolo Duterte.

Wala pang ipinapalabas na pahayag ang tanggapan ng Pangulo o kaya ng kanyang tagapagsalita na si Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte na tanging si Pangulong Duterte ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang pagbibitiw ng kanyang kapatid.

Batid aniya nito at ng Presidente ang planong pagbibitiw ni Paolo subalit tanungin na lamang si Pangulong Duterte kung ano ang naging reaksiyon nito.

Habang wala pang desisyon ang Presidente sa resignation ng Vice-Mayor siya ay pansamantalang naka-leave sa kanyang tanggapan.

“Yes the President knew beforehand that the Vice-Mayor will resign from his position. Best to ask the President about his reaction to the resignation,” ang pahayag ni Mayor Sarah Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?