33

Jul 19, 2021 @ 22:09

Duterte wala pang mga ‘manok’ sa Senado

Wala pang listahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa napipisil nitong mga senatoriable sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa harap ng umiinit na politika para sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t may mga nababanggit ang Pangulo, walang listahan aniya para sa mga mamanukin nito sa Senado.

“Wala pa po talagang listahang nalalaman ako, bagama’t nababanggit palagi ni Presidente ang ilang mga pangalan. Pero ‘yong listahan talaga ay wala pa po,” ani Roque.

Sa kanyang regular Talk to the People ay malimit banggitin o kaya tawaging “senador” ni Pangulong Duterte sina Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade, Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo at ilan pang miyembro ng gabinete. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?