9

Aug 11, 2020 @ 18:13
By

Duterte wala pang desisyon sa PhilHealth chief

Hindi pa pinapaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may balak ba itong magpalit ng lider sa maanomalyang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Palace spokesman Harry Roque, naghihintay pa ang Pangulo ng rekumendasyon galing sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa imbestigasyon kinasa sa umano’y korapsyon sa state insurer.

“Sa ngayon po dahil binuo ng Presidente itong task force na na mayroong extraordinary powers, including the power to impose preventive suspension, hinahayaan na po muna ni Presidente na gumalaw itong task force na ito. Rerespetuhin po niya ang mga desisyon ng task force na ito,” lahad ni Roque.

“Kung magtatalaga po ng bagong presidente ng PhilHealth si Presidente, wala pa pong ganoong sinasabi ang ating Presidente; hihintayin niya ang rekomendasyon at ang mga desisyon ng task force,” aniya pa.

Ang kasalukuyang PhilHealth president ay si Ricardo Morales, ngunit naka-leave ito matapos ibunyag na dumadaan sa chemotherapy dahil sa sakit na lymphoma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?