165
Duterte wala nang tiwala sa Philippine media
By

Duterte wala nang tiwala sa Philippine media

Tuluyan nang nawalan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa media dahil sa di umano’y mga basurang alegasyon laban sa kaniyang pamilya.

Ani Duterte, magiging ‘choosy’ na siya sa pagpapaunlak ng panayam sa media dahil sa mga ulat na nagsasangkot sa kaniyang pamilya sa kalakalan ng ilegal na droga.

“Hindi na ako nagpapa-interview ha. Choosy ako, choosy… I have lost completely trust in the Philippine media,” saad ni Duterte sa panayam niya sa programa ng religious leader na si Apollo Quiboloy.

“After all the trash that you have read, all of you. Even your child is accused of being a drug lord,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang alegasyon ni Bikoy na ang bunsong anak ng Pangulo na si Veronica ay nakikinabang sa illegal drug trade.

Inakusahan ni Duterte na ang ilang media practitioners ay nababayaran.

“They are the ones who can write and they are the ones who can, you know, invent or do something na outside of journalistic practices,” saad ni Duterte.

“Outright extortion. There are a lot of them. As you have noticed in the matrix, the one involving Bikoy. Bikoy has retracted his statements. But the people know it’s not true,” dagdag pa nito.

“Never mind about the criticism. With regard to the media, the matrix, all of them are paid hacks, believe me,” aniya.

Ipinahayag din ni Duterte na ang president ng Vera Files, ang beteranong journalist na si Ellen Tordesillas ay nanghihingi ng pera mula sa kaniyang mga sources dahil sa may sakit itong cancer.

“Tagal na ‘yan sige pang hingi-hingi kasi may sakit daw siya cancer. Hanggang ngayon, buhay pa rin. So maybe tonight, we can pray together to pray for ano…Para hindi na maghingi,” saad ni Duterte.

“When we pray, you pray for help for her recovery. But my prayer would be different ha. And you know, what you are thinking, probably that you’d pay, you’d pray would be exactly the opposite of that and that is my fervent…prayer,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?