15

Aug 18, 2020 @ 12:35
By

Duterte: Wala kayong paki kung gusto ko pumunta sa Singapore

Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sabi-sabi na lumipad siya sa Singapore noong weekend para sa emergency treatment, pero sinabi na dapat walang pakialam ang madla kung aalis man siya ng bansa.

Sabi niya, nananatili siya sa kanyang hometown sa Davao City.

“Bakit isikreto ko? I am under no obligation to travel in secret and not telling the republic at all. I am a citizen of this country, the right to travel is guaranteed. Kung guaranteed sa inyo, edi guaranteed ‘yan sa akin,” wika ni Duterte sa isang taped address, Lunes ng gabi.

Hindi raw siya gagamit ng pondo ng taumbayan para sa kanyang mga private travel.

“I will not be stupid to use government funds. Malalaman at malalaman ng tao ‘yan. So stop this nonsense about me going to Singapore, if at all. Kung gusto ko pumunta, pupunta ako. Wala kayong pakialam kung gusto kong pumunta,” sabi ng Pangulo.

“I enjoy what you citizens of this republic enjoy. We have the right to travel. With more reason ako, kay matagal na akong walang bakasyon,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?