1,202

Feb 23, 2020 @ 15:11
By

Duterte wala daw kinasuhan: Anong tawag kina Trillanes, De Lima? – Davila kay Panelo

Naging mainit ang diskusyon nina Presidential Spokesperson Salvador Panelo at ‘Hot Copy’ host Karen Davila tungkol sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang binida ni Panelo na kahit marami umanong nagpapatama sa Pangulo ay hindi umano nito kinakasuhan ang kahit na sino.

“Tandaan mo, Karen, this man has been the subject of so many harassment, many character assassination, he never sued anybody. Mayroon ka bang nabalitaan? Kung papaano siya murahin nila (dating Senador Antonio) Trillanes, (Senadora Leila) De Lima at kung sinu-sino pa. He has been pictured as a murderer but he never, he ever put anybody,” ayon kay Panelo.

Ngunit kaagad namang siningit ni Davila ang mga kasong kinakaharap nina Trillanes at De Lima na sinampa ng administrasyon habang pinapalabas umano na biktima ang Pangulo.

Si Trillanes ay nahaharap sa kasong sedisyon kaugnay ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video na propaganda kontra kay Duterte, habang noong 2017 pa nakadetine si De Lima dahil sa kaso ukol sa illigal na droga.

Ngunit iginiit ni Panelo na hindi dapat si Duterte ang ituro dahil hindi naman ito ang nagsampa ng kaso.

“Teka muna, teka muna. Iyong sinasabi mong sedition, tandaan mo, mayroong nagdi-determine whether may probable cause for a particular crime – hindi si Presidente iyon – trabaho ng DOJ (Department of Justice) iyon, mga imbestigador,” depensa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?