Duterte: Wala akong alam sa Cambridge Analytica

Sharing is caring!

Pinagbulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte wala siyang koneksiyon sa Britsh data analytics firm na Cambridge Analytica, na nasa sentro ngayong ng kontrobersiya dahil sa maling paggamit ng Facebook data.

“Wala akong alam. Hindi ko man kilala ‘yan,” pahayag ni Duterte sa mga reporters matapos dumating sa Davao City nitong Biyernes mula sa apat na araw na pagbisita sa China at Hong Kong.

Naunang nang itinanggi ni Palasyo na hindi kinuha ng kampo ng Pangulo ang serbisyo gn Cambridge Analytica noong 2016 presidential elections.

Nasabit ang campaign team ni Duterte bunsod nang lumabas ng litrato kung saan kasama ni Alexander Nix, noo’y board director of Cambridge Analytica parent company Strategic Communications Laboratories (SCL), noong May 2015 ang mag-pinsa na sina Peter Laviña at Jose Gabriel “Pompee” La Viña, at dating National Press Club president Joel Sy Egco, at Istratehiya Chairman Atty. Taipan Millan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?