233

Jul 22, 2021 @ 17:06
By

Duterte ‘wag nang tumakbo sa 2022 – Atienza

Kung si Rep. Lito Atienza ang tatangunin, hindi na raw dapat tumakbong muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Sa programang Balitaan at Kumustahan ng Abante Radyo Tabloidista noong Huwebes, sinabi ni Atienza na hindi na dapat tumakbo si Duterte dahil nabigyan na siya ng anim na taon bilang pangulo.

“Hindi magiging magandang umpisa. Narating mo na yung pinakamataas na pwesto rito sa ating bansa. You are the leader of the nation. Binigyan ka ng 6 na taon. Hindi mo naman talaga kayang magagawa lahat ng pagbabagong ninanais mo,” pahayag ni Atienza.

Binira rin ng mambabatas ang pahayag ni Duterte na tatakbo ito sa pagka-pangalawang pangulo upang makaiwas sa kaso. Para kay Atienza, hindi ito ang dahilan ng pagiging bise presidente.

“We should not use it for any other reason. Kaya raw siya tatakbo ay para makaiwas siya sa demanda,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?