151

Jul 21, 2021 @ 17:41
By

Duterte ‘wag nang iboto – Anakbayan

Hinikayat ng Anakbayan ang mga mamamayan na huwag iboto si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tumakbo ito sa pagka-bise presidente.

“Telling signs na po ‘yun na hindi siya tatakbo para sa ikabubuti ng Pilipinas. Tatakbo po siya

para sa kanyang selfish interests na hindi siya makulong, hindi siya masakdal sa kanyang mga

krimen sa mamamayang Pilipino,” saad ni Anakbayan spokesperson Jeann Miranda sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan” tungkol sa mga sinabi ni Pangulong Duterte sa pagtakbong bise-presidente.

Aniya, isa itong pamamaraan ng Pangulo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan.

“Nakita n’yo naman na kung ano ‘yung nagawa ni Duterte. ‘Wag nang iboto si Duterte bilang bise-presidente kung tatakbo man siya,” dagdag ni Miranda.

Hinimok din ng tagapagsalita ang mga mamamayan na maging matalino sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa bansa.

Ito ay matapos lumabas ang listahan ng mga posibleng mapabilang sa Senate slate ng administrasyon.

“‘Yung mga pinili po para sa susunod na halalan for senators, isa po itong listahan ng mga hindi dapat iboto,” wika niya.

Naniniwala ang Anakbayan na ginagamit ng administrasyon ang popularidad ng mga inilista

nilang kandidato upang makuha ang loob ng taumbayan.

“Ito pong mga ‘to, sure po kami mula sa Anakbayan, hindi papakinggan ang hinaing ng mga

Pilipino. Ang gagawin lang po, katulad po ng mga ginawa nila nitong mga nakaraan, katulad nina Panelo ay sundin ang bawat utos ni Duterte o kung sinuman ang kanilang magiging susunod na leader,” pahayag niya.

Magkakaroon ng pagpupulong ang Anakbayan sa mga susunod na buwan tungkol sa mga

platapormang ilalabas ng mga kandidatong ito.

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang samahan sa mga kandidatong ito.

“Sa ngayon po, dahil sila ay pinili ni Duterte at nakita po natin ‘yung track record ng ilan po sa kanila ay ekis po talaga sila sa amin at sure po kami na hindi nila pagsisilbihan ang mamamayang Pilipino,” dagdag ng Anakbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?