61

May 16, 2020 @ 13:08
By

Duterte umuwi na sa Davao

Makalipas ang dalawang buwan na pananatili sa Metro Manila, bumalik na sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ito ni presidential spokesperson Harry Roque na sinabing nasa Davao ngayon ang Pangulo.

Saad naman ni Presidential Security Group commander Jesus Durante III, hatinggabi umalis ang Pangulo sa Maynila para bumalik sa kanyang tirahan sa Davao.

“He is in Davao after more than 2 months of not being able to see his family,” saad ni Durante.

Kasabay ng pag-uwi ni Duterte ang pagluluwag ng quarantine protocol sa kalakhang Luzon matapos na ilipat na sa modified enhanced community quarantine ang ilang high-risk area, habang ang iba naman ay sasailalim na sa general community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?