34

Jan 7, 2022 @ 10:01
By

Duterte umapela sa publiko: ‘Wag magpatumpik-tumpik sa pagbabakuna!

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugaling patumpik-tumpik ng mga Pilipino sa pagpapaturok ng COVID vaccine sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na naobserbahan niyang marami pa rin ang pumipila sa vaccination centers para magpabakuna gayong paulit-ulit ang panawagan ng gobyerno noon pa na magpabakuna na para mayroong proteksiyon laban sa virus.

“You know, just an observation, I was appalled to see on TV the other day that there are still thousands in Metro Manila lining up for their jabs. So kung ganito sila – maybe they are willing but nagpro-procrastinate, that’s a problem, procrastination,” anang Pangulo.

Kailangan aniyang kumilos ang mga kapitan ng barangay para alamin sa kanilang lugar ang mga hindi pa nabakunahan at himuking magpaturok ng COVID vaccine bago pa magpatong-patong ang mga magkakasakit at mamatay.

“Kayong mga hindi pa, makiusap na lang ako sa iyo, huwag na lang ito daanin sa galit-galit. May I just really earnestly request you to get your vaccine. Do not procrastinate, sabihin mo bukas na, bukas na, bukas na, because the bukas might be the day that will — you start to die ‘pag nagpatong na ito,” dagdag ng Pangulo.

Makinig aniya sa mga eksperto para mailigtas sila sa peligro dahil napakabilis kumalat ang kontaminasyon ng COVID-19 partikular ang Omicron variant na nanalasa ngayon sa buong mundo.

Sinabi ng Presidente na huwag ng hintaying maging huli ang lahat bago magpabakuna dahil baka maging abo ang mga ito kapag tinamaan ng bagsik ng Delta at Omicron virus.

“Talagang nagtataka ako na napakarami pala ang wala pa. So hindi na lang hintayin kasi ‘pag nagpatong-patong — ‘pag nagpatong COVID at saka sumakay itong si Omicron pati si Delta, ah goodbye Philippines. This will be your — well, you can hardly survive kung it will attack your — ‘yung lungs mo,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?