9

Sep 15, 2020 @ 18:01
By

Duterte umapela sa mga ospital: Bed capacity para sa COVID patient paramihin

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong ospital na dagdagan ang inilaang bed capacity para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi matapos mag-report si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na dapat madagdagan pa ang bed capacity ng mga ospital para sa mga COVID patient dahil kinukulang bunsod ng maraming nahahawaan ng virus.

“Ito sanang appeal to private hospitals to increase the number of beds dedicated to COVID patients. Kung sana ho madagdagan n’yo,” anang Pangulo.

“Baka ho kayo makatulong talaga sa bayan. I am appealing this, for the country and for the people. Alam naman ninyo na hindi lang tayo ang tinamaan so your help will go a long way to remember,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?