34

Sep 8, 2021 @ 14:43
By

Duterte umapela ng pang-unawa sa mga health worker

Umapela ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga healthcare worker kaugnay sa delay na pagbibigay sa kanilang mga benepisyo ngayong COVID-19 pandemic.

Sa taped address na ipinalabas ngayong Miyerkoles, ipinaliwanag ng Pangulo na may iba pang pinagkakagastusan ang gobyerno at hindi lamang tungkol sa pangkalusugan.

“Give us time to adjust to the finances because ang fluctuation of events hindi natin malaman kagaya nito bigla na lang. Sino ba nag-akala na mayroong pandemya? We have to spend in a short notice, we had to collate whatever was left or whatever was available for Bayanihan 1 and 2,” aniya.

“Tapos kayo bigla magreklamo. Di ko naman sinasabi mali iyan. Tama iyan. Kaya lang konting pag-unawa lang kasi kung meron lang talaga bakit namin hindi ibigay. Anuhin naman namin ‘yung pera, hindi man amin?” dagdag niya.

“But the problem is there are other expenses of government other than the health concerns. Iyon sana maintindihan ninyo kami,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?