122

By

Duterte umamin: Ilang pulis, sundalo sangkot sa high-profile killings

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang mga miyembro ng kapulisan at militar ang sangkot sa high-profile killings.

Ang pahayag ng Pangulo ay matapos ang ilang pag-atake sa mga politiko sa bansa.

“Itong mga kidnapping, karamihan diyan involved ang pulis. High-profile killing, may involved diyan Army, pulis, pati NPA,” ani Duterte sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City.

Noong Disyembre nang tambangan si AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos mamigay ng mga regalo sa senior citizens sa Daraga, Albay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?