309

By

Duterte umalis ng ‘Pinas, biglaang bumiyahe sa Hong Kong

Maraming lumabas na mga larawan ng kawangis ni Pangulong Rodrigo Duterte na namataan sa isang clothing store sa Hong Kong noong Sabado ng gabi, Oktubre 6.

At para matigil ang haka-haka, kinumpirma ni Special Assistant to the President na si Bong Go na nagtungo nga ang Pangulo sa Hong Kong, kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty.

Sa Facebook post ni Go, nag-selfie ito kasama ang pamilya ni Duterte, na may caption na: ““Bago maunahan pa ng mga Fakenews kailangan din magpahinga ng Pangulo.”

Huling nagpakita sa publiko si Duterte noong Huwebes sa kanyang talumpati sa harap ng Philippine Military Academy Alumni Association sa Malacañang, at ‘di rin inanunsiyo ng Pangulo ang kanyang biglaang pangingibang-bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?