17

Jun 12, 2021 @ 10:35
By

Duterte umaasang makakalaya PH sa pagsubok ng COVID pandemic

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakalagpas ang bansa at mga Pilipino sa mga pinagdaraanang pagsubok na hatid ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pre-recorded Independence Day message ngayong Sabado kasabay ng ika-123 paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Sinabi ng Pangulo na nakikiisa siya sa sambayanan sa pagselebra sa Araw ng Kalayaan at sana ay magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino ang ginawang pakikipaglaban ng mga bayani sa mga mananakop para malabanan ang hindi nakikitang kalaban na nararanasan ngayon sa bansa at sa buong mundo.

“I join the entire Filipino nation in celebrating the 123rd anniversary of the proclamation of the Philippine Independence. With their noble example inspiring us, we look forward to a brighter future filled with hope that we will overcome the challenges brought by this pandemic,” anang Pangulo.

Ang mga  pinagdaanang pagsubok aniya ang nagpalakas sa sambayanan para maging mas matatag bilang isang bansa at malagpasan ang mga pinagdaraanang krisis gaya ng ginawa ng mga ninunong bayani.

“The challenges of the past years have tested our character as a nation. Each of us, have been called upon to be heroes in our own right in fighting for our  survival and devoting ourselves to the common good just as our heroes did more than a century ago,” dagdag ng Pangulo.

Hangad ni Pangulong Duterte na manatiling taglay sa puso ng mga Pilipino ang pagmamahal sa  bayan at sa kapwa laban sa anumang mga hindi inaasahang pagsubok na darating sa bansa.

“May the patriotic fervor continue to burn in our hearts. Mabuhay ang malayang Pilipinas!” wika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?