8

Aug 11, 2020 @ 8:30
By

Duterte umaasa sa COVID-free na Pasko

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagsaya ang mga Pilipino sa kapaskuhan sa sandaling mayroon nang magagamit na bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi na mayroon na umanong natuklasang bakuna ang Russia at nangakong bibigyan ang Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo sa sambayanan na kaunting paghihintay na lamang at baka sakaling sa Disyembre ay magiging masaya ang pasko ng mga Pilipino.

“Hintay na lang kayo, kaunti na lang talaga. By December, sabi ko inthe fullness of God’s time, we will have a, hopefully, a COVID-free December and we can enjoy this Christmas season,” anang Pangulo.

Ang magiging hamon na lamang aniya sa vaccine ng Russia ay kung angkop ito sa lahing Pilipino kaya kailagan ag clinical trial para sa mga Pinoy.

Tinatayang lalabas aniya ang bakuna sa susunod na buwan o sa Oktubre kaya kaunting panahon na lamang ang ipaghihintay ng mga Pilipino

“Dumaan na sa kanila yang ano–the measures that would ensure that it is really safe. Kaya lang whether or not it is safe for a particular race, kagaya ng Pilipino or Chinese, hindi natin malalaman unless we go into clinical trials,” dagdag ng Pangulo.

Nagsimula ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa noong Marso at hanggang ngayon ay patuloy na nilalaban ng gobyerno ang pagkalat ng virus, at ayon sa Pangulo, vaccine lamang ang makakapagpalaya sa mga Pilipino sa dinaranas na kalbaryo sa COVID pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?