58

Jul 2, 2020 @ 16:55
By

Duterte, tutungo sa Sulu

Magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar ng Jolo, Sulu sa Mindanao upang makipagpulong sa mga pinuno ng Philippine Naitonal Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa naganap na pagkakapatay ng apat na sundalo.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año Huwebes na nais ng pangulo na malaman ang lahat hinggil sa pagkapatay ng apat na matataas na sundalo sa kamay ng mga pulisya.

“Walang misencounter na naganap. It is a shooting incident but I don’t want to preempt the investigation,” nasabi lamang ni Año matapos mapanood ang lahat ng pangyayari.

Hindi inihayag ni Año, na siyang namumuno sa PNP, ang araw at petsa pati na rin ang lugar na titigilan ng pangulo para sa pagsasagawa ng pagbisita sa PNP at AFP commanders dahilan sa seguridad.

Inaasahan din na makikipagpulong si Duterte sa mga nasasangkot na siyam na pulis sa naganap na insidente nong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?