91

Dec 25, 2017 @ 14:30
By

Duterte tutulungan ang pamilya ng mga biktima ng sunog sa Davao

Tiniyak mismo ni Pangulong Duterte ng kanyang tutulungan ang pamilya ng mga biktima ng sunog sa isang mall sa Davao City.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos makausap ng Pangulo ang mga pamilya ng mga 37 katao na na-trap sa nasusunog NCCC mall sa nasabinng lungsod.

Naging emosyonal pa ni Duterte nang makaharap nito ang pamilya ng mga nasunugan noong Sabado.

Personal nitongipinabatid sa mga naghihintay na kaanak ng 37 pinaniniwalaang na-trap sa sunog na “zero”ang tsansang may nakaligtas sa insidente.

Kilala ang Pangulong Duterte bilang “strongman” at matigas subalit hindi nito ikinubli sa publiko ang pag-iyak sa nangyaring trahedya.

Nagpaabot agad ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng mga patuloy pa ring nawawala sa sunog na mga call center staff ng isang american firm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?