37

By

Duterte tumulak pa-Indonesia para sa ASEAN Leader’s Gathering

Sharing is caring!

Umalis na patungong Bali, Indonesia si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Association of South East Asian (ASEAN) Leader’s Gathering.

Bahagi ito ng pagpapaunlak ng Pangulo sa imbitasyon sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo.

Umalis ang Pangulo pasado alas sais ngayong gabi mula sa Awang Airport sa Maguindanao, matapos bisitahin ang mga nasawing agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na inambush ng mga hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, inaasahang bibigyang-diin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ASEAN meeting ang pangangailangan na mapanatili ang paglago at pag-unlad ng isang matatag na rehiyon, pati na ang pagsusulong ng pandaigdigang kooperasyon.

Inaasahan ding makikipagkita si Pangulong Duterte sa mga lider sa Asya para matalakay ang mga isyung bilateral at mga bagay na kapwa pakikinabangan ng bawat bansa.

Isang araw lamang ang Pangulo sa Indonesia at kaagad ding babalik sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?