52

By

Duterte, Trump parehong ayaw kay Obama

Sharing is caring!

Nagkahulihan umano ng kiliti sina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump kahit maiksing panahon pa lamang silang nagkakilala.

Ito ang ginawang paglalarawan kahapon ni Spokesman Harry Roque sa dalawang lider matapos ang gala dinner noong Linggo ng gabi na ginanap sa SMX convention center sa Pasay City.

Ayon kay Roque, patok ang samahan nina Pangulong Duterte at President Trump dahil bukod sa parehong masayahin ay pareho rin nilang ayaw si dating US President Barack Obama.

Naging matalik na magkaibigan aniya ang dalawang Presidente sa kaunting panahon na sila ay nagkakilala.

“Mukhang patok naman ang kanilang…patok na patok ang kanilang samahan ngayon, dahil mukha silang parehong masayahin, mukha silang laid back at pareho silang hindi gusto si Obama. Iyon ang isang basehan na kanilang—pareho silang ayaw itong Obama. Mukha namang… matalik… naging matalik na magkaibigan itong dalawang Presidente sa kaunting panahon na sila ay nagkakilala,” ang pahayag ni Roque.

Ang Pangulo at si Trump ay dalawang beses pa lamang nagkita, una ay sa Vietnam nang kapwa dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) forum at ang pangalawa ay sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa bansa.

Si Trump aniya at maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay parehong rock star dahil sila ang agaw-pansin sa gala dinner.

“Kahapon ay relax na relax naman sila sa gala dinner ‘no. At game na game itong si President Trump na makipag-selfie sa mga miyembro ng gabinete. So meron din akong selfie, Ka Orly ‘no. At bagama’t tayo nga ay nagkaroon ng pivot sa Asia, malinaw na isa pa rin sa tinatawag na rock star nitong pagtitipon na ito ay si US President Trump pa rin at kasama na diyan iyong Prime Minister Trudeau ng Canada,” dagdag pa ni Roque.

Isa sa mga hindi inasahan sa gala dinner ay ang pagkanta ni Pangulong Duterte na aniya ay kahilingan ng commander-in-chief ng Estados Unidos. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?