303

Dec 7, 2017 @ 10:15
By

Duterte: Trillanes mukha talagang evil

Inaasahang iinit na naman ang word war sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at senador Antonio Trillanes makaraang buskahin ang senador at tinawag itong mukhang “evil”o demonyo.

Sa kanyang talumpati sa mga bagong nanumpang opisyal ng gobyerno sa Malacañang, binalaan niya ang mga ito na huwag tumulad kay Judas Iscariot.

Ikinuwento ng Pangulo sa mga bagong opisyal kung paano natapos ni Leonardo da Vinci ang kanyang obra maestra na “The Last Supper”.

Matagal aniyang naghanap ng modelo ang dakilang pintor para makumpleto ang mukha ni Judas sa last supper at nakita niya ang isang basurero na si Trillanes umano at kamukha ng isang demonyo.

“Naghanap siya ng mukha talagang evil, pareho kay Trillanes na yung…Naghanap soya ng mukha ni Trillanes. Wala man siya –wala pa man noon PMA noon. So pagdaan niya, nakita niya, P****ina, Trillanes nga ito. Nandito lang pala siya.

So da Vinci talked to him and said “do not be insulted, but you know, I’m trying to complete my painting, the only missing there, the face of Judas. Sabihin ko kay Trillanes ganoon, you are not the Judas, you are a model for a face of evil,” ang pahayag ng Pangulo.

Nais ng Presidente na sa pamamagitan ng kanyang kuwento ay mabigyang babala ang nga bagong opisyal ng gobyerno na huwag magkamaling magtaksil sa sambayanan.

Naging sentro din ng talumpati ng Pangulo ang isyu ng illegal na droga at ang kanyang mahigpit na babala sa mga taga-gobyerno na huwag magkamaling maging corrupt dahil sisibakin niya agad ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?