56

Oct 26, 2017 @ 10:41

Duterte todo tanggi pa rin sa EJKs: It’s not true!

Sinagot at ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili laban sa mga paratang na extra judicial killing sa harapan ng mga abogado sa bansa at mula sa ibang mga bansa sa Asya.

Sa kanyang talumpati sa Commemorative Session ng ASEAN Law Association Governing Council na ginanap sa Malacañang, sinabi ng Presidente na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.

Siniraan aniya siya ng mga kritiko sa pamamagitan ng  isyu  sa extra judicial killing, subalit tinitiyak nito na hindi lahat ng paratang ay totoo.

Matinding babala aniya ang ibinigay niya sa mga kriminal kasama na ang mga sangkot sa illegal na droga, at papatayin ang mga ito kapag hindi tumigil sa ginagawa at sisirain ang susunod na henerasyon.

“I have been demonized. And I will assure you upon my oath as a lawyer and before God that some are true, some are not.

And the extrajudicial tag that has been placed on me is simply not true,” paglilinaw ng Pangulo.

Bilang dating Prosecutor, sinabi ng Pangulo na batid niya kung bakit madalas madismis ang isang kaso dahil binubuweltahan ng mga sindikato ang mga pulis kaya walang nangyayari at muling babalik sa paggawa ng krimen ang isang kriminal.

Kaya ng maging Presidente, ang naging utos nito sa mga pulis ay lumabas kayo,huwag matakot at susuportahan nga mga ito.

Wala aniya siyang utos na lumabas ang mga pulis at patayin ang mga kriminal.

“I am.sure that there never was a time that I said ,”go out and just kill the criminals.” It’s always been “go out, do not be afraid. I will support you,” ang pahayag ng Pangulo.

Kabilang sa mga naging panauhin ng Pangulo sa okasyon ay sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ASEAN Law Association  President Atty. Avelino Cruz, Chief Justice Kifrawi Dato Kifli ng Brunei, Chief Justice Muhammad Hatta Ali ng Indonesia at iba pang mga opisyal mula sa Asya.

Naitatak na sa Duterte administration ang extra judicial killings  mula sa human rights groups dahil sa inilunsad na anti-drug war sa bansa.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?