8

Nov 10, 2020 @ 15:50
By

Duterte todo exercise kahit busy sa pandemic

Kahit abala sa trabaho at mga pampanguluhang aktibidad, mayroon pa ring panahon si Pangulong Rodrigo Duterte para makapag-ehersisyo.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng kinakaharap ba pandemya ng bansa at pagiging abala ng mga opisyal ng gobyerno sa pagtugon sa COVID pandemic.

Ayon kay Roque, halos araw- araw ay nag-e-exercise ang Pangulo dahil mayroon itong treadmill sa kanyang official residence.

“Ang alam ko po si Presidente ay mayroon siyang treadmill at alam ko halos araw-araw nagte- treadmill ang Presidente,” ani Roque.

Para naman sa mga miyembro ng gabinete na palaging abala sa trabaho, sinabi ni Roque na nagpupunta siya sa gym simula payagang magbukas ang mga gym sa bansa,

“Ako naman po, five days a week, nagpupunta sa gym mula nang magbukas ang gym.I don’t look it at sana ay dumating ang panahon na magkaroon ng resulta yan sa aking itsura ano,” dagdag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na mahalagang labanan ang pandemya sa pamamagitan nang pagpapalakas sa katawan, at sundin ang lahat ng health protocols at huwag abusuhin ang sarili,.

“I think the message , para labanan ang pandemiya importante pa rin ang health promotions, importante po na tayo ay maging malusog at isang paraan para maiwasan ang COVID ay hindi lang po mask, hugas at iwas, kundi manatiling malusog, nagkaroon ng sapat na exercise, kumain ng tama at sapat na tulog,”wika ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?