535

Oct 9, 2021 @ 18:53
By

Duterte tinuldukan presidential bid ni Mayor Sara

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang natitirang pag-asa ng supporters ni Davao City Mayor Sara Duterte sa posibilidad na magbago pa ang isip nito at humabol sa presidential race.

Ito ay matapos sabihin ng Pangulo na nakapagpasya na ang kanyang anak na huwag sumali sa labanan ng pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa panayam ng SMNI news matapos bumisita ang Pangulo sa kanyang matalik na kaibigang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy, sinabi nitong hindi na kasali ang kanyang anak sa bakbakan sa pagka-presidente sa darating na eleksyon.

Makailang beses na aniyang nagsalita si Mayor Sara sa mga interviews na hindi ito papalaot sa mas mataas na pwesto.

“Inday is definitely out, as she said earlier, the oft repeated statements in so many interviews,” anang Pangulo.

Matapos hindi magpakita si Mayor Sara sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy sa Sofitel Hotel sa Pasay City ay umasa ang mga supporter nito na hahabol sa panahon ng substitution hanggang November 15.

Pero nauna nang naghain ng kanyang kandidatura para maging re-electionist si Mayor Sara sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?