283

May 12, 2021 @ 10:43
By

Duterte tinira kahit kaalyado! PDP-Laban Bulacan binutata si Pacquiao

Hindi nagustuhan ng PDP-Laban Bulacan Chapter ang naging patama ni Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa meeting ng PDP-Laban Bulacan, naghain sila ng resolusyon para ipaalam ang kanilang ‘strong disapproval’ sa mga naging pahayag ni Pacquiao, na acting chairman ng naturang partido.

Nakasaad sa resolusyon na tila minaliit ni Pacquiao ang pamumuno ni Duterte, na chairman naman ng PDP-Laban.

Saad pa ng grupo, dapat ay kumonsulta si Pacquiao ukol sa mga major na political issue dahil titingnan ang kanyang mga pahayag bilang acting president ng PDP-Laban.

“Such statements attacking the Party Chairman are not sanctioned by National Council and without going thru official party channels and therefore against the principle of Consultative and Participatory Democracy as embodied in the Party Constitution,” ayon sa pahayag ng partido.

Matatandaan na sa isang interview ay sinabi ni Pacquiao na nakukulangan siya sa aksyon ni Duterte ukol sa WPS.

“Sa akin, nakukulangan ako, nakukulangan ako kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, nage-eleksyon pa lang. Dapat ituloy nya yun para magkaroon din naman tayo ng respeto (galing sa China),”  lahad ni Pacquiao.

Nais ng PDP-Laban na magpaliwanag si Pacquiao sa kanyang patama sa Pangulo.

“Acting President Manny Pacquiao (should) be asked to explain why he should not be disciplined for his public actions and statements against the leadership of President Rodrigo Roa Duterte thereby bypassing the official channels of the Party where redress and remedy can be made,” saad sa resolusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?