30

Jan 7, 2022 @ 15:51
By

Duterte: Tindero ng COVID drug sa black market ikulong

Ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sangkot sa pagbebenta ng gamot kontra COVID-19 sa black market.

Sa harap na rin ito ng pagbebenta ng mataas na presyo ng mga black marketer ng mga gamot gaya ng Remdesivir na pagsasamantala sa publiko.

Sa kanyang Talk to the People, inatasan ng Pangulo ang mga otoridad na hulihin, imbestigahan at ipasok sa kulungan ang mga ito.

” I am ordering the police to arrest black marketeers of essential medicines at dalhin sa istasyon, ipasok muna sa selda without exception,” anang Pangulo.

Partikular na pinakikilos ng Presidente ay ang mga station commanders para matigil na ang pagsasamantala sa mga mahihirap na Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nais ng Pangulo na mahuli mismo ang mga nagpapatakbo ng black market at hindi ang mga tauhan na inutusan lamang magbenta ng mga gamot.

“Hulihin ninyo ang may-ari, kung ang salergirl lang, then arrest the owner, no exception. Arrest them and detain them for 34 hours and I think that is a serious offense, black marketing. At this time, if you do that talagang upakan ko kayo,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito inireport ni Food and Drug Administration (FDA) OIC Director General Oscar Gutierrez Jr. na mayroon na silang go signal para mabili sa mga botika ang gamot na Remdesivir nang hindi na kailangang kumuha ng permiso sa FDA.

Naging kontrobersiyal ang nabanggit na gamot dahil hindi ito noon pinayagang gamiting panlunas sa COVID-19 dahil ito ay ginagamit umanong pampurga sa mga hayop.

Ito rin ang dahilan kaya sa black market lamang noon mabibili ang Remdesivir na sinasabing nakakagamot sa COVID-19.

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?