83

Mar 6, 2021 @ 13:50
By

Duterte tinawag na ‘presidente’ si Go

Tila kinilig si Senador Bong Go matapos siyang tawaging ‘presidente’ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes ng gabi.

Anang Pangulo sa isang pahayag, maganda naman ang mga credential ni Go kaya maaari siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na taon.

“I am not running. Senator Go is quite hard-working. You can read about him in the newspapers anywhere. If there’s a fire, he would go there regardless of where it is. He’s a graduate of La Salle, he has Batangueño roots,” ani Duterte sa isang event ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Cagayan De Oro City.

“Presidente, will you again stand up? et’s see if it fits you. Stand up again.,” hirit pa ng Pangulo.

Nagpasalamat naman dito si Go ngunit nilanaw na wala siyang balak tumakbo bilang lider ng bansa.

“I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero hindi po ako interesado,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?