148

By

Duterte tinawag na ‘genuine friend’ ni Xi Jinping

Pinagtibay muli ng Pilipinas at China ang diplomatic ties nito sa kabila ng isyu sa West Philippine Sea.

Nagkaroong ng bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping nitong Huwebes.

Sa ginanap na meeting sa Great Hall of the People, sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa dalawang bilateral agreements at ang handover ng grant package ng China para sa mga drug abuse treatment at rehabilitation center sa Sarangani at Agusan del Norte.

Kabilang ang Pangulo sa 35 heads of state na lumipad pa-China para sa ikalawang Belt and Road Forum.

Sa opening statement ni Xi Jinping sa bilateral meeting, sinabi nitong masaya siya na makita na lalong bumubuti ang relasyon ng Pilipinas at China, at tinawag pang “genuine friend” at “trusted partner” si Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?