By

Duterte, Teo nag-one-on-one pagkatapos ng Cabinet meeting

Sharing is caring!

Nagkaroon ng seryosong pag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang kontrobersiyal na si Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo pagkatapos ng full Cabinet meeting kagabi.

Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na blangko siya kung ano ang napag-usapan ng Pangulo at ni Teo dahil sila lang ang nag-usap at nasa labas lamang sila ng ibang miyembro ng gabinete.

Hindi na rin aniya siya nakapaghintay dahil gabi na natapos ang Cabinet meeting kaya’t nagpasyang umuwi na.

“Ang makukumpirma ko lang is nagkaroon sila ng one-on-one at seryoso po, mukhang seryoso iyong pinag-uusapan nila, pero hindi ko na po naabutan ang Presidente bagama’t pinabalik po ako sa Palasyo at hindi na nga po nakapag-antay sa akin si Presidente,” ani Roque.

Matatandaang pinaimbestigahan ng Pangulo ang inilabas na report ng Commission on Audit (COA) kung saan nabunyag ang P60 million TV ads ng Department of Tourism sa PTV 4 para lamang sa programa ng Tulfo brothers sa nabanggit na government TV stations.

Sinabi ni Roque na makikipagkita siya sa Pangulo ngayong umaga para alamin kung ano ang naging resulta ng one-on-one nila ni Secretary Teo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?