77

Mar 4, 2021 @ 20:51
By

Duterte tanggap na magiging ‘lame duck’ sa huling buwan ng termino

Tanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging “lame duck” siya sa huling anim na buwan ng kanyang termino dahil magiging limitado na lamang ang kanyang panahon bilang lider ng bansa.

Sa kanyang pagbisita sa Lawang Bato, Valenzuela City at pangunahan ang inagurasyon ng bagong school building, sinabi ng Pangulo na ginawa na niya ang kanyang trabaho at kung mayroon pa siyang maidaragdag sa mga huling buwan ng termino ay gagawin nito para sa mga Pilipino.

Kalahating taon na lamang aniya ang natitira para mailarga ang mga dapat pang gawin sa bansa para sa taumbayan.

Ang natitirang anim na taon aniya ay ang magiging simula ng “lame months” ng kanyang administrasyon.

“The other half would be the lame months, lame duck na ako. And that is natural. It happens, it will happen. Pero ngayon kung anong madagdag ko, sabihin lang po ninyo,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo, na batay sa ipinangako niya noong 2016 election campaign na magkaroon ng magandang environment para sa mga estudyante, natupad aniya ito.

Pero hindi aniya lahat dahil dumanas ang bansa ng pandemya na ni sa hinagap ay mangyayari at nagpahirap nang husto sa mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?