15

Apr 8, 2021 @ 11:52
By

‘Duterte tambak ang trabaho’

“Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho.”

Ayon ito kay Sen. Bong Go, na nag-post ng mga larawan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng pag-trend sa Twitter PH ng hashtag na #NasaanAngPangulo.

“Sa mga may masasamang Hangarin, Wag muna kayo mag celebrate!! Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho,” ani Go, Abril 7.

“Sana tulungan na lang natin ang ating mahal na Pangulo para malagpasan natin ang crisis na ito bilang nagkaka-isang mamamayang Pilipino,” dagdag niya.

Magugunitang nitong Miyerkoles, kinansela ni Duterte ang kanyang regular na “Talk to the People,” na una na niyang pinagpaliban Lunes ng parehong linggo.

Huling namataan ng mga Pinoy ang pangulo noong Marso 29, nang salubungin nito ang isang milyong Sinovac COVID-19 vaccines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?